Sunday, April 26, 2009

MY FIRST E-HEADS EXPERIENCE







second year ako nun sa hayskul. wala kong inatupag sa loob ng klase kungdi makipag kwentuhan sa bestfriend kong si vincent. pag science na yung subject todo recite naman ako favorite ko kasi yung science.pag katapos nung favorite kong subject wala kaming teacher sa english,habang yung mga kaklase namin nag lalaro,nag wawala at kung anu anu pa (syempre ako yung presidente bala na sila tawagin na lang nila ko pag meron ng namatay) kami namang dalawa nakikinig sa bago nyang mp4 pa sosyal kami imbes na pawisan kami sa pag wawala eh uupo na lang at makikinig ng music. as you see yung picture namin dito sa left. bestfriends talaga kami (oy take note lalaki yan ah). pag katapos ng isang kanta ng pupil may narinig kaming ganitong lyrics:













they try to tell us were to young,









to young to really









be in love.....




































sabi ko "ilipat mo nga ang pangit old song ata to eh"pero nang ililipat na nya yung song bigla kong sinabing "teka parang alam ko to. ang malungkot at parang old song na intro ay na sundan ng isang buhay na buhay na tugtugin:
















bahay namin maliit lamang










pero, pero, pero, pero










malinis to pati sa kusina



































''ahhh... alam ko na kung saan ko to narinig''. nung 1st year kasi yung ate ko ginamit nila tong song na to para sa isang jingle contest sa school.tapos tinignan ko yung title ng song a ng tittle nya "TOYANG BY ERASERHEADS" ';huh eraserheads?? sounds familiar"
pa tanga kong sabi sa kaibigan ko.bigla kong naalala na sila yung mag co-concert sa MOA sa march 7. edi todo isip ako sabi ko isa lang ang sagot sa lahat ng katanungan ko sa buhay ANG MAHIWAGANG
COMPUTER!!!

























last subject namin ang english kaya nasasabik na kong makita ang mahiwang computer,nung nag bell,pumunta kami ni vincent sa isang computer shop (wag na nating banggitin ang pangalan) member kami dun kaya diretso na,pag ka enter ko ng username and password anak ng' nag eror kaya sinubukan ko uli ayon gumana din ang loko ,edi nag youtube ako sabay type ng ERASERHEADS pag ka tapos na duling ako hindi ko alam kung anong una kong pakikinggan dahil lagpas isang million ang result, yung toyang yung una kong pinakinggan,"grabe na kakagaan ng pakiramdam" sa isip isip ko.





























































pag uwi ko sa bahay dito na nag simula ng pag kalat ng virus ng 4 na alien. pakikinig kay papa jack isa yung radio show (panu kaya mag sho-show yung radio?) o kaya pag babasa ng mga horor books bago matulog ang naka hiligan kong gawin bago matulog pero ng ga bing iyon kinakabisado ko ang mga kanta nila ayan na ang virus sa isip-isip ko. bago ko matulog tinanung
ko rin yung kuya ko (yung asawa ng
ate ko) kung kilala nya ang eraserheads o e-heads sabi nya : "naman walang na buhay nung 90's na di sila kilala (eh kasi medyo matanda na yun 22 na sya) sabi ko ''ganun ba?'' nag tatakang sagot ko.simula nun nabago ako parang may may lumagapak na isang spaceship at may nakasakay na 4 na alien sina cla ely buendia,raimund marasigan,buddy zabala ,at marcus adoro. ang mga myembro ng banda ng bayan na nag hiwa hiwalay na ng landas nung 2002. madalas din silang kinukumpara sa "THE BEATLES",well at least they compare to an legend.and eraserheads was also a legend.saka apat din naman ang the beatles di ko nga lang kabidsado mga names nila dahil di ko sila naabutan. tinawag din sila ni jay taruc sa kanyang documentary show na FAV FOUR OF THE PHILIPPINES.








































nag ipon ako para may pam pa burn ng favorite kong banda.ilang araw lang jaraan!! ngayon pwede ko na silang pakinggan ng hindi na nag babayad ng bente isang oras sa mgacomputer shop isinalang ko na ang cd sa cassete namin na philips ang tatak (di naman kaylangan sabihin) bukod sa "toyang" eh kina giliwan ko rin ang kantang "alapaap" at "tindahan ni aling nena" pero sino ba namang hindi mabibighani sa lyrics ng "ang huling el bimbo" na pinag tatakahan ko kung paano masasagasaan yung babaeng kamukha ni paraluman,kasi wala pa kong nakikitang sasakyan na dumadaan sa eskinita (malay mo malaki yung eskinita)hahaha.at ang astig na "pare ko" na ang chorus ay:


















o diyos ko ano ba naman ito










diba? tang ina pinag mukha










akong tanga pinaasa nya lang











ako letcheng pag ibig to










dyos ko anu ba naman ito....





























when i first hear this song sabi ko ''astig to!''. and the lyrics was so honest na halos ilabas nya na lahat ng nararmdaman nya (bakit may na basted bang masaya?) and syempre swak sakin ang lyrics (dahil heart broken ako nun) at syempre may malay na ko sa ni lecheng pag ibig.wag na nga nating pag usapan.



























































sya nga pala nakuha nila ang pangalang ''ERASERHEADS'' sa ''ERASERHEAD'' na ipinalabas noong 1997 na isinulat at dinirek ni david Lych.hindi ko alam kung ano ang takbo ng istorya nito di ko pa kasi ito napapanuod.
























THE ULTRAELECTROMAGNETICPOP DESASTER!













ilang search na rin sa ibat ibang website ang ginawa ko tungkol sa kanila meron sa googl e,yahoo etc.... at nalaman ko na 12 years sila na mayagpag sa industriya. ang unang title ng kanilang unang album ay: "ULTRAELECTROMAGNETICPOP"
(realese in 1993) patok agad sa masa ang ligaya,magasin at maling akala.ito kasi ang laging pinatutugtog sa mga radio stations.pero nag hirap din daw ang manager ng e-heads.ang sabi nga ng apat sa isang interview lahat ng narating nila ay bunga ng pag hihirap nila.kung titignan mo on my left ito ang original record label ng kanilang kainaunahang album.di pa masyado punag tuunan ng pansin ang king tawagin nga eh FASHION STATEMENT.

















sa kasamaang palad di ako nag karoon ng pag kakataon na makakuha o makahawak man lang ng original copy,eh pano kasi wala pa ko nun dito sa mundo.it was realese in year 1993 and my birth year was 1995. (o diba ang layo).



























VOLTEST V WA INVOLVED HERE



kung mahilig ka sa cartoons ay marahil kilala mo si VOLTES V. voltest-isang japanese cartoon series na kinalakihan ng banda.ang salitang ultraelectreomagneticpop ay nakuha nila kay voltest v bininigkas ni voltes v ang ultraelectromagnetictop (pinalitan lang ng pop ung top) para palabasin ang dalawang turumpo galing sa kanyang dib-dib at gamit ang lubid ay huhulihin nya ang dalawang turumpo at ibabato sa kalaban,ginagamit nya ito para sugpuin ang mga masasamang loo b. nung bata pa ko hindi ko naman masyadong nagust uhan yung cartoon series na yon kasi puro robot.ang masama nyan nung second year ko lang to nagustuhang panuorin (lagi pa nga akong na la-late nun dahil tinatapos ko pa yung palabas).kasabay ng pagsikat ng robot na si VOLTES V si GARY V.kaanu-anu kayani voltes v c gary v? wag na nga nating alamin yun bayaan nalang nating si ATE V ang sumagot nyan (korni ng jowk mo neng).






























una kong narinig ang ligaya siguro 7 years old pa lang ko nun,ofcoures di ko pa alam kung anung ibig sabihin ng kantang yun(bata pa ko nun eh). anu nga bang malay ko sa lalaking gagawin maski thesis ng babeng kanyang minamahal.
















tindahan ni aling nena, this song describes kung paano mamuhay ang ilan sa mga pilipinong kababayan natin na kailangan pang pumunta sa ibang bansa gaya ng canada at iwan ang kanyang inang si aling nena para mag doon trabaho.gaya na lang nang mga overseas filipino workers o (OFW).
































OK KONTING INFO MUNA........











ELY BUENDIA(vocalist)>or ELEANDRE BUENDIA.
38 years old.he has two wives .her first wife is VICKY CAYEGO (former college girlfriend) and the mother of the teenage daugther UNA AUREA.kung narinig mo na ang kantang "TOYANG" di ka ba nag tataka kung sino si toyang?
the girl behind toyang is vicky.ely make the song nung sila pa.


his second wife was MS.DIANNE VENTURA, (current manager of pupil). some malicious news ang kumakalat na hiwalay na nga daw sila,but i think their ok.nag karoon din sila ng anak si EON DRAKE kung napanuod mo yung music video ng SUPER PROXY yung kasama ng anak ni FRANCIS M. sya yung anak ni ely. as of now ELY BUENDIA was the current vocalist of the band MONGOLS or commonly known as PUPIL. ka pansin-pansin na iniba ni ely ang mga genra ng mga ginagawa nyang kanta matapos mag hiwa-hiwalay ng ERASERHEADS nung 2002. mula sa OPM o original pinoy music parang iniba nya ang lahat.kung titignan mo parang iilan lang or should i say na halos lahat ng kanta ng pupil eh english basta hindi ko maipaliwanag bala na nga kayo.saka parang pansin ko ang guwapo nya dito sa picture hehehe (somethings fishy).







































RAYMUND MARASIGAN (drums,hamonica,piano)> ang alam kong buo nyang pangalan eh RAYMUND EMMANUEL MARASIGAN (sounds so familiar) minsan na mi-missed spell to na raimund,raymond saka marami pang iba. ang alam kong long time girlfriend nya since 2000 eh si JENG TAN.jeng tan was the basists of pin-up girls.any way ang asawa nya ngayon eh si MYRENE ACADEMIA,si myrene naman yung bahista ng imago saka ng sandwich kung saan sya ang lead vocalist.


kung napanuod mo yung music video ng coca-cola yung open coca-cola,lets go open happines,si myrene dun yung naka white eh baka nga di mo sya mapansin
kasi mukha syang lalaki dun.but anyway they have one daugther si ATARI KIM.hahahahahah
(mahilig sya sa mga bahista mag tatayo nga ako ng banda
na ako yung bahista baka sakaling.. haha)





























BUDDY ZABALA (bass)> i have no idea kung sino talaga ang tunay na buddy zabala off cam.ang alam kong buong pangalan nya eh HECTOR ZABALA (parang ang layo naman ng buddy sa hector hahaha) yun lang at alam ko sya yung bahista ng THE DAWN (bahista nanaman hehe) saka meron pa syang isang banda kung saan kasama nya si raymund marasigan ito ang CAMBIO isang indie band.










































































MARCUS ADORO (lead guitarist)> same with buddy, marcus adoro is a mysterious
for me ang alam kong real name nya ay MARCUS ANTONIUS ADORO.when he was interviwed by jessica soho in her show,may nag alok daw sa kanya na meron na daw surfing culture dito sa pilipinas kaya ng may time na sya sinubukan nyang mag punta sa san fernando,la
union at i try ang pag su-surf.dito na rin nya binuo ang mga banda na SURFERNANDO at MARKUS HIGHWAY.






































Any way nung closing party kami nung second year ako dinala ko yung cd kong pina burn, marami namang sumasabay sa kanta.madali lang naman kasing sabayan ang mga kanta nila bata man o matanda may ngipin man o wala oo totoo yung kaklase ko ngang bungal (wag na nating banggitin ang real name basta sya yung first honor namin) sumasabay sa alapaap.




























THE TRADEMARK OF AN E-HEADS FAN














apat ang miyembro ng banda ng bayang pero bakit 4 na million ang nakikisabay sa mga kanta nila at 4 na milyon sila kung mang impluwensya ng porma.hip hop at metal ang uso nung 90's (hanggang ngayon nga eh) xxxl na mga damit o t-shirts ang trademark ng isang hip hopper,rap ang favorite ng mga hip hopper na halos kalahati yata ng mga kanta nila ay puro "YO" ang maririnig mo.itim na t-shirts naman at hapit na hapit na mga pantalon mula sa hita hanggang sa binti ay metal. ang unawa nila sa musika (di ko sinasabing lahat) ay kaliwa't kanang kaskasan gitara at mapang wasak na palo sa drums.












pero ng sumikat ang banda taob ang mga maluluwang na damit ng mga hip hop at tiklop mga boots ng metal.chuck taylor's at mga pantalong may tastas sa bandang tuhod (yumaman ang mga kompanya ng rubie blades nun) isang t-shirt na matino at buhok na hindi maintindihan ang e-heads look.as you see in dito sa kanan yun yun.hahaha when i first saw this picture i laugth 5 times.hindi dahil sa suot nila o sa kulay ng picture kung dahil sa mga mukha nila lalong lao na si raymund i cant imagine na long hair sya dati,saka naiwan yung isa nyang sapatos sa likod hahaha.pero sa totoo lang itong picture na to ang pinaka paborito ko sa lahat.




















OK SERIOUS TIME MUNA (baka sabihin bangag ako)

















tungkol sa mga bisyo ang naging paksa at imahe ng ilang mga awitin ng e-heads sa kanilang pangalawang album na pinamagatang
"CIRCUS"ang mga kantang alapaap,minsan at alkohol ay matatandaang naging kontrobersyal dahil sa mga mensaheng hatid nito. well wala namang masama its just a song.ewan ko nga ba kung anong pumasok sa utak ni kuya ely (nyek kuya).paborito ko pa nga ang kantang ''INSOMYA'' at ''ALKOHOL''.
































isang taon nanaman ang lumipas isang album nanaman ang nai realese ito ay ang CUTTERPILLOW (realese in 1995) ang kanilang third album. ito na siguro ang masasabi kong pinaka succesful na albums ng e-heads,why? beacause of this album naimbitahan ang banda na mag punta sa new york as amerika at iginawad sa kanila ang award na "MOON MAN "( o taong buwan you decide) at ang VIEWER'S CHOICE AWARD para sa music video ng "ANG HULING EL BIMBO". ang huling el bimbo-this song pinatutunayan nito na FIRST LOVE NEVER DIES.sobrang nakakapag taka ang lyrics ng kantang yon,kasi paano masasagasan ang babaeng kamukha ni paraluman sa eskinita eh wala namang dumadaan na sasakyan sa eskinita hahaha (baka naman kasi malaki yung eskinita).














mga taon ang binilang ilang album din ang ni realese ng banda ang CUTTERPILLOW ay nasundan ng STICKER HAPPY (1996),FRUIT CAKE (1997),ALOHA MILKY WAY (1998),NATIN 99 (1999),at finally ang kanilang last album na ni realese noong 200 before ely call it quits ito ang CARBON STEREOXIDE.












sabi nga ni vincent batacan sa isa nyang colum sa tikman ang langit:






"pano nga kaya kung kuman didato ang













4 na alien sa pag ka presidente?














masaya kaya kung apat ang ating presidente natin?















lalakas kaya ang benta ng gitara sa cebu?















pupunta ba sila sa rome,italy at makiki














jamming ng julie tearjerky sa santo papa?









sasalikwatin kaya nila ang yaman ng bansa?











may ipambili ng mga imported na musical















instruments na sila rin ang gagamit?














at kung mapatunayan natin ang kanilang















pa ngungurakot mapapatawad ba natin sila















agad kapag hinarana nila tayo?




























by the way ''TIKMAN ANG LANGIT (THE ANTHOLOGY ON THE ERASERHEADS)'' is a book. the book contains essay na sinulat ng mga taong naimpluwensyahan ng e-heads o let's just say mga "FANS" ng e-heads. try nyong bumili kahit hindi kayo e-heads fan maloloka kayo sa mga esssay na nandun lalong lalo na yung kay vincent batacan.medyo may kamahalan ang libro mga P.180 ang bili ko pero sulit kasi marami akong nalaman tungkol sa kanila at nalaman ko rin kung anu ang pakiramdam ng iba pang e-heads fan katulad ko.meron ding mga picture yon ng e-heads nung ssa club dredd pa lang sila tumutugtog.yung nasa kanan yan yung copya ko ng libro.



















WHY THE BAND DISBANDED?







bakit nga ba sila nag hiwa-hiwalay? mahirap sagutin hindi ba? maraming kumakalat na balita na kaya raw sila nag hiwa-hiwalay and why ely call it quits dahil daw sa pera,komo raw si ely ang bokalista at ang song writter eh gusto nyang makuha ang lion's share.meron pang isa may issue daw na involved ang drugs ang balita may nag kakalat daw ng balita na gumagamit ng drugs si ely at ang asawa nyang si Ms.Dianne at ang nag kakalat daw nun eh myembro ng banda.hindi lang yan ang mga kumakalat na dashilan kung bakit the band disbanded marami pa pero ako hindi ko talaga alam ang totoo.masakit mang tanggapin pero talagang hindi na mapipilitang ibalik ang pinag samahan.sabi nga ni Ms.Dianne tao lang sila may sari-sariling kagustuhan kaya wag natin silang i-preasure para gawin ang bagay na ayaw naman nila.oo,mahirap tanggapin.ano ba talaga ang dahilan only the band members know the real story (iyak na ko).






ilang taon ang lumipas matapos mag hiwa-hiwalay ng banda ilang mga singers at mga banda ang gumawa ng album ito ay ang "ULTRAELECTROMAGNETICJAM", sa tingin ko ito ay isang tribute para sa sa apat na tao na humaplos sa mga kaluluwa n mga taong hinaharana nila.sa tuwing mag susulat at kakanta si ely,sa tuwing kakalabit ng gitara si buddy,sa mga sandali na itinotono ni marcus ang gitara nya bago mag simula ang ensayo,at sa mga sandaling hahampas ng drums si raimund.libo-libong mga tao ang nahuhumaling sa kanilang musika including me. i confess,dati hindi ako mahilig sa OPM akala ko kakornihan ang lahat.but when the e-heads's music came to my ears para kong dinapuan ng sakit na influenza a (h1 n1) i stopped and i think "ganito ang ba talaga ang pakiramdam ng taong dinapuan ng sakit na tatawagin kong obsesity". sabihin man ng iba na




















THE REUNION CONCERT!




"MULING TIKMAN ANG GABI NG PUNO NG LIGAYA AT HARANA........ GUSTO MO BANG SUMAMA?" ito ang theme ng reunion concert ng e-heads sa huling pag kakataon mag sa sama-sama uli ang apat sa isang entablado upang mag daos ng isang malaking konsyertong pinamagatang ERASERHEADS THE REUNION CONCERT 08.030.08" na ginanap sa cultural center of the philippines o CCP COMPLEX.di agad naniwala ang ilan dahil ayon sa dokyomentaryo na isinagawa ni jay taruc tungkol sa banda wala raw itong pormal na anunsyo sa telebisyon.in isponsoran ito ng smart at iba pa.
















THE EMERGENCY!



halos atakihin din ako sa puso dahil sa gulat ng mabalitaan ko ang nangyari kay ely buendia sa kalagitnaan ng concert.inatake raw ito sa puso habang inaawit ang pang 15 kanta.bago idaos ang pinapangarap na concert pumanaw ang ina ni ely,ininda itong sobra ni ely. ilang araw ding walang tulog ang bokalista dahil sa mga band rehearsal at pag aayos sa lamay ng kanyang ina.marahil daw ay nasobrahan ito sa pagod kaya ng collapse habang nasa kalagitnaan ng konsyerto.ayon sa dokyumentaryo ni jay taruc tungkol sa banda nag collapse daw ito backstage.





































































THE FINAL SET!



nang mabalitaang stable na ang kondisyon ng bokalistang si ely buendia pinag planuhan na ng apat na mag daos muli ng isang konyerto at papangalanan nila itong "ERASERHEADS THE FINAL SET 03.07.09" nilipat ang venue ng concert mula sa CCP COMPLEX nilipat ito sa MOA o mall og asia concert grounds.syempre di naanman ako naka punta (hello ang mahal kaya ng ticket kulit eh) pero nabunutan ako ng tinik ng ipalabas iyon sa gma7 the concert was amazing at ginawa nilang reggae yung "huwag mo nang itanong". nangako si ely at ang buong banda na mag hahanda sila ng mabuti sa concert at mag dadag dag pa ng mga supresa, kasama na rito ay ang pag dalo ng master rapper na si FRANCIS M. na sa kasamaang palad ay sumakabilang buhay isang araw bago ang pinapangarap na concert.nag luksa di lang ang mga fans ni francis kung di pati na rin ang mga e-heads fan.naging matalik na mag kaibigan kasi si francis at ang banda partikular si ely. sa katunayan may ginagawa nang album ang dalawa. the 22th song sa concert is yung SUPER PROXY na meron ding version si francis m. mag kasama ang dalawa sa music video nito pati ang kanilang mga anak na lalaki.sabay sanang kakanta ang master rapper na si francis m. at ely buendia ang kaso nga lang sa kasamaang palad ay sumakabilang buhay na nga ito noong ika anim ng marso ng taong 2009.













for me ayokong tawagin itong FINAL SET sapag kat nag sisimula pa lang ang apat na baguhin ang aking napaka simpleng buhay (korni) marami silang binahagi saakin. ginala nila ako sa alaapaap,sinamahan sa aking kama,pinatikim ng kanilang fruitcake,sinasabihan ng easy ka lang when im loosing my temper,dinadamayan ako tuwing gabi pag di ako makatulog dahil sa insomya,tinuruanng harapin lahat ng takot at pag dahil ang sabi nila walang totoong super proxy,pinapangiti ako pag may namimis ako tuwing sembreak,sinamahana ko ng i wait for the bus at iba pa.............. in other words di na kayo kailanman ma i-ERASED sa puso ko.

































































































PAHABOL SULAT AYOKONG TAPUSIN ITO NG SERYOSO



pag tapos kong sulatin to uuwi pa ko sa bahay namin kasi nakikigamit lang ako ng computer sa pinsan ko.pag dating ko sa bahay siguro mga 1:00 am na kasi gabi ko to inumpisahan.pag dating ko sure ako di pa ko matutulog (may insomya kasi ako) malamang maliligo ako para maantok.pag wala pa ring tabla manunuod ako ng tv at kung anu-ano pag dating ng alas 2 pahinga naman muna.makikinig sa radyo sa am sa fm at wwwwwww



AGAHAN KO SA HAPON
TANGHALIAN SA GABI
HAPUNAN SA MADALING
ARAW. INSOMYA,INSOMYA,
INSOMYA




hahahah kumanta na tuloy ako.ahh so this is how i end this kung essay ba tong matatwag.alam ko na bungi bungi pa ang sulat ko. 'ayyy tapusin ko na nga to di naman talaga ako writter kung mag kamali ako meron namang ERASER.basta isa lang ang masasabi ko sa apat na alien na bumago ng buhay ko:


GAYA NG ISANG MASELANG BAHAGHARI HINDI NA SANA KAYO MAWALA
KAILANMAN,NGUNIT TALAGANG HINDI NA MAARING BUHAYIN ANG PINAG SAMAHAN.ALAM NAMIN NA MGA TAO LANG KAYO NA MAY KALAYAANG GAWIN ANG LAHAT NG NAIS.KAYA KAGAYA MULI NH ISANG MASELANG BAHAGHARI HINDI KO KAYO KAILANMAN MALILIMUTAN.............................











THANKS FOR READING MY BLOG












-JOYCE ANN TAHIL-